daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

10/25/2004

dizizit



KILCHER is LISTENING to:I Didn't Know I Was Looking For Love [Everything But the Girl]
KILCHER MODE:pagoooooddd!!!
QUOTE OF THE DAY:pusanggalaaaaa! nasaan na akoooo?! (while trekking along sucat road trying to find that damn bpi main branch)



okay kalimutan yang maiksing post sa baba. oo isang malaking shet di ba? gabi bago mag-contest, may bumanggang isang kotse sa isang poste ng kuryente sa c.p. garcia, malapit sa math building. ang resulta? brownout ang mga lugar na malapit sa kinaganapan. kasama ang eee. okay fine, may generator pero oh my gulay, hanggang second floor lang at kami ay nasa fourth floor. ang mobot ay nasa rooftop. kaya ayun, nagsibababaan ang mga cpu sa ceeesl, isang lab sa second floor.

dumating ang ala-siyete ng umaga. siempre hindi namin napagana ang receive part ng application namin. isang malaking OH WELL. daanin sa marketing ang presentation. laking pasalamat ko lang na ako'y maysakit at ako'y tumatahol noon. haha. so clicker na naman ang role ko. aba dapat lang, parang andami ko atang nasabi nung halfway presentation namin.




pagkatapos mag-present kami ay kumain na (sa wakas, sobrang kinakain na ng large intestines ko ang small intestines ko haha). tas bumalik kami para magbigay ng moral support sa mga robot (oo, sa robot) ng mobot at ni hans (ng irc).

LEGGED (WHEEL-LESS) RACE: nanalo si KALADKARIN, ang mabagal na legged robot ni kaye at ni miko (actually, thesis ata ni ate peach yun, tinanggalan ng gulong at inayos ang movement ng arms). mabagal siya sobra pero eh race yung sinalihan eh di race. enter spiderman, ang 8-legged na laruan na kinalas at tinape-an ng protoboard haha. ang bilis pramis. eh poocha, walo ba naman yung paa ang bilis pa gumalaw, buti na lang lumalabas sa track hahaha. tas yung ROADRUNNER ni hans (bi-ped), nagseselfdestruct so wala, no contest, kahit gano man kakupad si kaladkarin, nanalo pa rin. hahaha.

ZIBOT (Intellibot) RACE: eto yung may mga obstacles. dapat iwasan. di ko alam kung ano ginawa nila sir loony at tin pero nanalo! (eh kasi naman yung robot ng mga taga-adamson sabi nang sabit hahaha) da best talaga UP sa last minute programming! astig!

CLASSIC: sorry na lang sa min, dinala ng PLM sa sheer number ang pagkapanalo (hehe bitter ako). 8 entries ba naman sa kanila. tas 2 lang sa UP Mobot. natanggal first round si raf tas well pagkatapos ata ng isa or dalawa pang round natanggal na rin si ferns so wala, wala na talaga.

OPEN DESIGN: rodrigo (grrr...) and some kids from slu shared 3rd place. WE GOT 2nd PLACE!!! wahoo! 1st si DELIVERY ROBOT ni gerson from mobot. sige, ano, sheer number lang ba usapan? hehehe out of 6 finalists, apat ata UP. =D

hahaha! yay! ang ganda-ganda ng sem ko! yay! pusa, wala pang application yun ha? ano ano ano? dinaan na lang talaga sa marketing. wala pang tulog-tulog yun. at wala pang breakfast-breakfast. Anak ng?!




so san na nga pala ako pupunta ngayon? ano na mangyayari sa kin? di pa rin ako makapagsend ng application sa canon kasi naman yang pesteng tcg na yan nov16 pa daw pwedeng kumuha. daaaaaarn...

ayaw. ayaw ko pa rin tumandaaaaa...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home