daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

9/27/2003

Impending Banishment

hahaha! grabe itong nanay ko, may pauso na naman, aba dun daw sa Baguio sa summer dun sa Noviciary. Pinaalam na daw niya ko kay Father Dado...anyway, kasi itong mader dir ko ay financial officer ng isang order ng mga fathers...and brothers pa pala..hehehe...galing nga ko sa "holy place" kanina...ang sarap ng pagkain grabe! (thank you ate vicky! da best ka talaga magluto!) anyway, back to the banishment thing, hahaha, hindi ko alam kung papatulan ko yun...sabi niya kasi para matuto daw akong mag-isa..aba narerealize na ng nanay ko na hindi ako independent...sa buong <21-x> years ko sa mundong ibabaw, ngayon niya lang narealize...(x yung years na pede kong i-consider as "childhood" pero since wala ata ako nun...) anyway, para daw matuto chuvaloo, maglaba, gumising nang maaga kasi pag hindi ako nagising nang maaga wala na akong kakainin...uubusin na ng lahat ng mga novice yung foodie...pero come to think of it, puro guys ang kasama ko dun! masama...hahaha, magkocorrupt ako ng mga magpapari...baka hindi sila pumasa sa pagiging novice! lolz!

pero mas gusto ko patulan yung gimmick ni fez...hehehe san kaya kami pupunta no? basta sana may transpo pero kung wala, aba magbus na lang no! para walang pagod! hindi ako papayag magdrive ng walang substitute no! napilitan lang ako nun nung pumunta kaming pangasinan kasi wala naman talagang sub pero my gas, antok-antok ang drama ko nun sobrang sinusubuan ako ni biggie lil sis carabelles ng coffee candy para magising...

ano pa ba? parang ayoko na pala patulan yung exile na yun...pero kung ilang araw lang, why not? magpaakyat din ako ng friends ko para masaya...hehehe kunyari alam ng nanay ko ako lang mag-isa...teka, may sinabi pa pala siya...joskoday! magmeditate daw ako dun! hindi kaya ng powers ko! malala! hahaha! anyway, may mahatak naman kaya ako? paging nikki! paging tj! hahaha! baguio tayo sa summer! wag nang galera! :D hehehe...

may niwento pa sa kin inang bayan tungkol kay DEVIL PIG...hahaha, hindi na magbabago yun...kailangan pala lahat ng nasa pangalan ng momsie ko ilagay na sa kin kundi naku, ayoko nang may kahati...sa kanila na siya! nandidiri ako! yuck! basta kelangan ko ng LAWYER ngayon na!

uh oh, hanggang kelan na lang ba voter's reg? si demon pa pala kelangang samahan (pakshet naman, ang tanda-tanda na niya kelangan pang samahan, tas lalaki pa siya, isang malaki at malutong na pakshet..) bakit kaya ako nun, ako lang naglalakad ng mga papers chuvaloo ever ko? mula sa student's permit hanggang sa driver's license na na hindi na ko pinagtest drive buti na lang kasi di pa ko masyado marunong nun hahaha...hanggang dun sa hellish experience na pagregister sa city hall noon na nakakabwiset kasi ang dami-dami ng mga taga-district2 (dist2 ba yung nasa may commonwealth?) tas ang onti lang ng sa district 1....pero dabounce, hapon na ko natapos...mas malala pa sa reg ng UP...

isa pa pala, addict ako ngayon sa POMELO a.k.a. SUHA, or kung ano man ang tawag sa kanya...galing kasi si momsie dearie sa davao...nag-1-week work chuva siya dun and feeling malaya ako hahahaha...siyempre parinig to the max ako na dalhan niya ko ng suha di ba? o ayan mga suha mo, pag di mo naubos yang sampung malalaking yan, ewan ko sa yo...hehehe...reminds me of the time na nagparinig to the max din ako sa isang tao diyan na naaaddict ako sa SINGKAMAS, aba kinabukasan, binigyan ako ng 2 kilong singkamas...grabe na ituuuu! hindi kinaya ng powers ko malala...katulong ko na nun sina fatty carabelles and jakey jake jake d autistic artist kuno hahaha...pati pa pala si ging at si tita...hehehe..pero hindi talaga kinaya ng mga powers namin...:D buti na lang naubos...if i remember it right, ako pa nga ata umubos nun...tas may time na naaddict ako sa PEARS kasi madalas mag-uwi si momsie nun...and most of all, siempre hindi makakalimutan ang pinakafavorite sa lahat, PEACHES! i'm going to the country i'm gonna eat me a lot of PEACHES! hahaha! meron pa nga ata kong peach slices sa baba, courtesy of someone na nagmagandang-loob at dumalaw sa maysakit hahaha! maraming salamat, lowla tj! yaan mo, after magsettle nitong suha lalantakan ko yung slices mamaya...:D

o sige dito muna, ang daldal ko na...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home