daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

2/07/2005

senti-sentihan



KILCHER is LISTENING to: the darkness - love is only a feeling
KILCHER MODE: gulay
QUOTE OF THE DAY: wala pa...hindi pa kami nagkikita ni nikki eh hehehe.



senti sessions
- para sa isang kaibigang nalilito

minsan akala mo alam mo na
kung paano tatakbo ang buhay mo
sa sobrang paulit-ulit na pangyayari
alam mo pati lahat ng mga posibleng anggulo

sabihin mang oo paulit-ulit na to
mayroon pa ring mga nagbabago
nawawala noon, lumilitaw ngayon
may bagay na nag-iiba sa pagdaan ng pahanon

yan ang parati nating pinag-uusapan,
kapag nagkakwentuhan, malalim man o mababaw
wala na nga ba talagang patutunguhan
ganito ngayon, bukas, sa isang araw?

sa buong akala mo alam mo na
eto na naman, paulit-ulit na lang
pero di mo inakalang ganito ang epekto sa yo
buong ayos ng buhay mo ata ay nagulo

biglang hindi mo na maipaliwanag
hindi mo maintindihan ang dulot na kaba
at lalong hindi mo naman inaasahan
na may darating na katulad niya, hindi ba?

una kong sinabi sa yo, mag-ingat ka
kilala kita at kilala ko din siya
pero walang ibang may hawak ng puso mo
ikaw lang ang pwedeng humindi o umoo

malay mo, nagbago na rin pala siya
di mo alam kung anong tumatakbo sa isip niya
pwedeng maging panandalian, pwedeng seryoso
pwedeng gumulo o umayos ang buhay mo.

easy ka lang, dude, hinay-hinay lang
alam kong naguguluhan ka ngayon
kung kailangan mong kausap o di kaya'y kakampi
dito lang ako, makikinig at sasang-ayon

kasi minsan akala mo maayos ang buhay mo
pero hindi pala...hindi pala ganun yun.
pwedeng kang malito, pwede buhay mo'y gumulo
dali simulan mo na, kwentuhan na tayo.

-kilcher-
feb 6 2005




kilala mo na kung sino ka hehehe. =D




Withdrawn (I) 56.76% Outgoing (E) 43.24%
Realistic (S) 57.5% Imaginative (N) 42.5%
Intellectual (T) 69.7% Emotional (F) 30.3%
Organized (J) 67.57% Improvised (P) 32.43%
Your type is: ISTJ
You are a Trustee, possible professions include - management,accounting, auditing, efficiency expert, engineer, geologist, bank examiners, organization development, electricians, dentists, pharmacist, school principals, school bus drivers, file clerk, stock broker, legal secretary, computer operator, computer programmer, technical writer, chief information officer, police officer, real estate agent.
Take Free Career Test
personality tests by similarminds.com

0 Comments:

Post a Comment

<< Home