daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

8/16/2005

s-t-r-e-s-s-f-u-l

birthday ni LEA kahapon. napasugod tuloy kami sa One San Miguel (ampness yang One San Miguel na yan ha, lintikan kasing guwardiya yan sa Shang eh, Kaliwa, Kanan, Kaliwa hindi tuloy namin nahanap kaagad yang lintikang building na yan).

pagkagaling sa Shaw, nagbalak ang mga taong magpunta ng Sunken para dun lantakan ang pagkain. Nag-Contrib ako. Mahiya naman ako di ba? Para que pang may sweldo (na nauubos naman agad sa kahoholdup sa kin sa bahay).

Dinaan ako nila MeiLing sa Philam para kunin ko yung kotse at gusto kong mabilis makauwi from UP if ever. Aba, nawawala ang lola mo. Di ko alam kung nasaan at nagmamaganda na naman ang celphone niya. May dumaang taxi. Umuwi na lang ako.

Pagdating sa bahay, nanonood pala si Jake ng The GodFather 3 (tinanong ko kung bakit 3? Eh ampanget ng 3, ang sarap sipain ni Sophia Coppola doon). Eh sa wala daw yung 1 eh. Oo nga. Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung sino ang humiram ng The GodFather 1 ko. Yun pa naman ang pinakagusto ko sa series na yun. FEZ! Nasa yo pa ata yun!

Telebabad with Lowla, kasalukuyang naghahapit sa sandamukmok niyang exam sa janjararaaaan...UP Law. Gudlak na lang, magbigay ka naman ng warning bago ka mabaliw ha? Anyway, nagpaalam akong kakain muna (kasi di ko na nga makakain yung kinontribute ko sa birthday ni Lea). Pero after 5 minutes, umuwi din si Inay. Hinarang ko pa sa gate para wag na pumasok at aalis ako. Kaya lang inantok talaga ako at naasar pa si Lowla sa kin kasi yung supposed to be 15-minute nap niya ay pinutol ko at inistorbo ko siya :D hahaha. Kawawang nilalang.

So di na nga lang ako tumuloy.

Lamon, lamon, lamon. Mabait silang lahat sa kin. Kahit si Demon na umaandar na naman ang pagiging demonyo. Sana araw-araw na lang siyang tulog. Wala naman siyang silbi kundi manira ng araw ng mga tao.

Past 1 na ko nakatulog. Wala naman akong ginawa na kundi pumlakda sa kama ko at matulog. Pero que horror, 8AM na ko nagising at gusto kong habulin yung 9AM na pasok dapat para mas maraming OT (yak, ano ba tong lifestyle na to?) pero no, 950AM na ko nakarating. Pfft!

May pinapaDebug na naman sa kin. Hohummm.... Ang sakit ng mata ko na. Ewan ko ba, ang tagal naman ng tulog ko. Buti di na ko umalis kagabi. 2AM na daw sila umuwi. Hala, goodluck na lang talaga.

Hay oh well...

Sa thursday na lang nga ako pupunta ng DFA para sa passport na yan. Tinatamad pa ko bukas eh. Hai. Tsaka maaga pala ko aalis bukas. So di pwedeng magpapalate ako ng sobra bukas tas maaga rin ako aalis. Ayaw ko mag-undertime.

Mamaya na nga lang ulit. Nagmamaganda na naman tong Pocket PC ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home