daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

9/15/2003

Karamay.
Sa mga bagay-bagay na nais makamit.
Sa mga mithiing binuo nating dalawa.
Katuwang sa mga pangarap.

Karamay.
Sa mga sandaling malungkot at masaya.
Sa mga panahong tayo'y magkasama.
Kasama sa lahat ng mga alaala.

Karamay.
Sa mga luhang kusang dumadaloy.
Sa mga nakalubling mga panaghoy.
Katulong sa lahat ng mga pighati.

Karamay.
Sa mga bagyong nais manalanta.
Sa mga unos na ating nalagpasan.
Kahati sa lahat ng mga problema.

Karamay.
Sa lahat ng oras na ako'y di makabangon.
Sa lahat ng oras na ako'y walang masandalan.
Kakampi sa lahat ng oras na kailangan kita.

Karamay.
Sa lahat ng mga pinagdaanan.
Sa lahat ng mga panahong nagsilapasan.
Kaisa ng damdamin.

Karamay habang-buhay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home