daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

12/25/2003

merry mismas!

mood: sulking all of a sudden
song of the day: ang walang kamatayang crazy for you
current rave: RETURN OF THE KING!

if yesterday i was about to kill that demon of a brother, today civil kami. pano bumili ba naman ng piratang vcd ng return of the king!!! oyey! :D

i don't feel so christmas-y today....dunno why...siguro kasi it'd be my first christmas after two years na nadito lang sa bahay at nag-iisa...:( how sad...wala man lang din akong makausap.. :( sumakit lang ulo ko kasi ang haba-haba-haba ng lord of the rings...sumakit lang fingers ko sa kakatugtog ng crazy for you...sumakit lang mata ko sa ewan ko ba kung bakit...

sana sabado na para makapagEK na...ang pathetic ko talaga...pakiramdam ko tuloy isa akong bata...batang natutuwa pag may bagong natatanggap, napupuntahan...siyeeet, ang ganda ng JEEP ng tito ko!! nilait-lait ko pa siya dati sabi ko owner hehe hindi pala! ASTIG! as in! yellow pa kulay haha ang gandaaaaa!!! and he got it for just a hundred grand! lupet!

haay back to the sulking self, wala pa rin akong kausap. i slept pa kagabi hindi ko man lang naenjoy yung bisperas ng pasko. kasi naman yang mga pinsan na yan eh alas-diyes pa lang pinutakte na namin yung nakatambak na red wine ng nanay ko....in the span of an hour nakadalawang bote kami at wala nang magawa tas sabi ni carabelles higa daw muna siya para mag-antay ng 12midnight...haha hindi na ko nagising... i deeply regret that. pasensiya na sa mga taong hindi ko nasagot ang text ahuhuhu at sa phone call na walang sense mga pinagsasabi ko kasi naman katabi ko yung nanay ko no eh hilong-hilo ako baka ano na lang masabi ko di ba?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home