daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

2/21/2005

senti again



KILCHER is LISTENING to: some christian song
KILCHER MODE: holy (nasa holy place ako)
QUOTE OF THE DAY: yay, may transcript na ko!




senti lang. creative juices are abundant, yehey. after a year of being stagnant....

kapag hawak ko ang kamay mo
sapat na yun, kampante na ako.
kayang harapin anumang bagyo
kakaibang payapa ang dulot mo.

mga luhang nagbabadyang umagos
mga sama ng loob na dapat ibuhos
ngiti mo lang ang kayang pumawi
yan ang gamot sa lahat ng hapdi.

sa mga oras na ako'y nawawala
sa mga oras na napapariwara
kahit wala nang ibang sumasaklolo
basta nandyan ka, ayos na ko.

ngunit may tanong sa isip ko
isipan ko'y binabagabag, ginugulo.
kung ikaw kaya ang biglang mawala -
kayanin ko kayang mabuhay mag-isa?

aminin ko man o hindi,
malaki ang takot di ko mawari,
takot na iwanan mo ako't maglaho ka,
malaki ang puwang kung mawawala ka.

sapat na bang sabihin kong mahal kita -
at sana'y di ka mawalang parang bula?
nakikita ko na, di ko talaga kaya
walang kwenta ang buhay kung wala ka.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home