daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

8/20/2005

Minsan...

...masarap mawalan ng pakiramdam. Yung manhid ka na lang, di ka na naapektuhan ng mga pangyayari sa paligid mo. Yung wala ka na lang pakialam kung sino ang nawawala na lang bigla, at biglang susulpot at pagkatapos ng ilang oras ay mawawala ulit. At wala pang paalam, gaya na ng nakasanayan mo na.

...masarap isiping sana hindi na lang naimbento ang pagtatrabaho. Punyemas na buhay to oo.

...masarap humilata sa kama nang isang buong araw.

...masarap isiping sana naging bata na lang ako habang-buhay. Ngayon ko napagtanto na sa kabila ng mga natutunan kong mga bagay-bagay sa buhay ko, hindi ko pa rin pala kayang tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko pa rin matanggap kung bakit napakapangit ng serbisyo sa mga ahensiya ng pamahalaan (sabi ni momsie: you're just starting to experience it, madami pang ganyan). Amp kasi yang BIR na yan eh. Buti na lang natapos din namin.

...masarap pagmuni-munihan ang nakaraan, yung recent ang pinakagusto ko. Sana estudyante pa rin ako. Sana parati akong libre pag Sabado, pero hindi eh. Ayoko na magtrabaho. Ahuhuhu.

And what it all boils down to
Is that no one's really got it figured out just yet
I've got one hand in my pocket
And the other one is playing the piano

- Alanis

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

nice post. especially the part where u said "...masarap humilata sa kama nang isang buong araw."

hope u don't mind, i saw your link at stormfans.org.. im a birdy fan too. it's just fun to see someone who's interested at wnba din.. i don't see that many people in here kasi that share the same interest.

8/21/2005 01:36:00 AM

 
Blogger kilcher said...

hey!

feel free to drop by anytime. :) oo nga, onti pa lang fans ng W dito. pero i've met some peeps na din over sf.org na taga-dito din. :)

8/22/2005 10:56:00 AM

 

Post a Comment

<< Home