daily ramblings of a 20-something yuppie who wants to be a bum. nonsense babbles about working, missing college, basketball, the seattle storm and life in general.

3/03/2005

kakaibang lungkot

kakaibang lungkot ang bumabalot sa akin ngayon. kakaibang pakiramdam na hindi ko mawari kung saan nagsimula at kung ano ang dahilan. may isang prominenteng kawalan ang nagbabadyang lumamon sa natitirang hibla ng kasiyahan na nitong mga nakaraang araw lang ay aking pinanghawakan.

kakaibang lungkot itong unti-unting tumutupok sa akin. at hindi ko maintindihan kung ano ang implikasyon nito. nag-ipon-ipon na rin siguro. pagod, sakit, mga problemang hindi ko napapansin, ang pagbaba ng tingin ko sa sarili ko bigla. yun at iba pang bagay na unti-unting humihila sa akin pababa.

nakakatawa. nitong mga nakaraang araw iniisip kong magsulat ng isang masayang entry kasi panay na lang senti ang mga sinusulat ko. isang masayang entry lang, pwede na. sinubukan kong gumawa noong isang araw.

pero ang siste, puro kamalasan na lang ata ang inabot ko. ngayon, iniisip ko na parang ang lahat ng mga bagay sa buong mundo nagtutulong-tulong para hindi ako maging masaya. umaga pa lang ng biyernes, late na ako nagising. late na nga, nauntog pa ko sa banyo. late na nga, ang tagal pang dumating ng fx papuntang morayta. pagdating ko sa review center, nakakainis at math pa ang exam, wala na naman akong alam. kinagabihan kela rhea, nagswimming pa ko sa semento at natakot akong baka napilay ang siko ko. siyempre, hindi maaaring hindi sumakit ang kanang hinlalaki ko. buong buhay ko na ata sasakit yun eh. buong katawan ko ata mababali na. ang saya-saya, di ba?

nagtuloy-tuloy pa hanggang sa susunod na araw ang kamalasan.iniisip ko tuloy, the whole universe must've been conspiring against me. naramdaman kong wirdo yung araw na yun. maraming mangyayaring masama. at oo nga, tumpak. ilang minuto sa first quarter ng laro namin, umikot ako nang mali at sa isang iglap, biglang nag-iba ang position ng paa ko at bigla itong nag-fold. bagsak ako siyempre. sino ba naman ang hindi mapapaupo nun? pusanggala, sprain na naman. lahat na lang ng laurin ko may nangyayari sa akin. magchess na lang kaya ako?

pero hindi yun yun eh. hindi naman ako naapektuhan talaga ng mga sakit sa katawan. hindi naman ata yun ang dahilan kung bakit para akong nakalubog sa kawalan ngayon. at hindi ko na to maintindihan. pero siguro nga kasi ganun ang buhay. akala mo ayos ang lahat, akala mo walang problema. pero wag ka, bigla na lang may mangyayaring mali at sunod-sunod na yan, parang domino. isang pangyayaring sa tingin mo ay trivial lamang, isang maliit na bagay ang makakapagsimula ng pagguho ng mundo mo. at bago mo pa madiskubreng sira na pala ang mundo mo, tapos na, gumuho na ito.

kakaibang lungkot. pero siguro kasalanan ko naman ang lahat. oo, pakiramdam ko parati kasalanan ko ang lahat. kung nalulungkot man ako ngayon, siguro dahil hindi sapat lahat ng mga ginagawa ko. kung nasasaktan man ako ngayon, siguro nga kagagawan ko rin naman to eh. kung pakiramdam ko nag-iisa ako, dahil na rin siguro naiiwan ko ang mga taong parating nariyan para sa akin. kung pakiramdam ko wala akong kakampi, siguro dahil hinayaan kong lumayo ang mga parating kumakampi sa akin. kung pakiramdam ko galit sa akin ang buong mundo, malamang lang may ginawa akong masama para magalit ang lahat sa akin.

kakaibang lungkot. kakaibang lungkot ang bumabalot sa buo kong katauhan. kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin at kung ano ang pinagmulan ng lahat ng ito.

kakaibang lungkot ngunit ano nga ba ang aking magagawa? kung sapat lang ang sorry, kung sapat lang ang pagpapakumbaba. kung sapat lang ang panalanging sana ang mga bagay-bagay na mali ay hindi ko na magawa. kung sapat lang talaga, hindi naman magkakaganito. kung sapat na nga ang mga yun, mapapawi naman ang kakaibang lungkot na ito. kung sapat lang sana... kung sapat lang sana pero sa tingin ko hindi yun papasang "pwede na"...kung sapat lang sana hindi ako ngayon parang nag-iisa...



standstill it seems where we are.
crossroads, doubts, uncertainties.
the happy days seem indeed so far.
feels so shattering, feels like love is war.
we may both end up with scars,
feels like we may never reach the stars.

standstill i am but drowning.
i fall flat to the ground but it feels like i’m hanging.
silence between us but it’s deafening.
happy we seem but not rejoicing.

at this confusing point we stand,
like always I’m holding your hand.
i’m missing the jitters
i’m missing the exhilaration.
somehow I’m missing everything,
everything i have had with you.

but when i glimpsed to my side
you’re still with me i come to see
makes it easier for me to decide
whether or not to stay by your side.

all things leave me as i am
clueless, stupid, useless
coz I don’t know if you still want me.

love is like war.
sometimes we win, sometimes we don’t.
but still the same
we both end up with scars.

yell at me.

be furious.

get angry.

coz I’m useless…
stupid…
worthless…

i am no good to you.

but then i have summoned enough courage
to say i still want you
and you’re still the one.

standstill i am but i’m drowning.
i fall flat to the ground but i’m still falling.
silence sure is deafening...

standstill.
standstill, idle we linger…
until i know if you still want me.

standstill.
standstill, idle we remain…
until i know if i’m still the one.

tell me, am i still the one?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home